

Here we go again with the ‘predictions’. I don’t believe in it personally but it’s funny to read them once in a while
Anyway, here are some of your fave stars and what’s in store for them this year of the dragon.
(push.com.ph)
Marami nga sa ating mga iniidolong mga kapamilya stars ang namayagpag ang career at personal life this 2011, marami din naman ang hindi masyadong maganda ang naging karanasan nung nagdaang taon kaya naman maraming nag-aabang kung ano ang mga hula, mga posibleng mangyari sa kanilang personal na buhay at trabaho para sa taong ito.
Stargazer, isa sa mga pinagkakatiwalaan at sikat na psychic readers ng bansa. Ginagamit niya ang aura, energies at vibrations sa pagbibigay ng mga prediksiyon sa mga sikat nating mga artista, gumamit din siya ng numerology sa pamamagitan ng pag-alam ng birthday ng ating mga kapamilya stars at base nga dito ay ang ilan sa kanyang mga prediksyon sa kanila para sa taong 2012.
Isa nga sa mga naging pinakamaingay nang nagdaang taon ang relasyong Piolo Pascual at KC Concepcion. Sa karera man lalo na sa kanilang personal na buhay naging laman sila ng lahat ng pwedeng makuhanan ng balita: sa telebisyon, sa internet, sa dyaryo, kahit sa mga opisina, eskwelahan, palengke at kahit sa mga bahay-bahay naging usapan ang pinagdaanan ng kanilang relasyon na nauwi din sa hiwalayan. At sa taon ngang ito ayon kay Stargazer, para kay Piolo Pascual (January 12, 1977), “He must face his problems and must resolve them. ‘Di yan madadaan sa limot . He must end some situations to be able to start anew”, ang naging makahulugang prediksyon sa kanya. At para naman sa dating kasintahang si KC Concepcion (April 7, 1985), “It is the year to think about things and renew herself. Although romance is around, it is best that she moves on and not be involved yet as of this year.”
Nagkaroon man ng malaking hiwalayan ang taong ito, nagkaroon naman ng matinding pag-iibigan sa pagitan nina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo. Matagal man bago napaamin ang dalawa, ngayon nga ay pinagsisigawan ng magkasintahan ang tunay na sayang nararamdaman nila sa isa’t-isa. Kamakailan pa nga ay nagbakasyon pa ang dalawa sa New York para i-celebrate ang Pasko at Bagong Taon, isang senyales na talagang going strong ang relasyon nila. At sa prediksyon nga para sa taong ito ayon kay Stargazer para kay Bea Alonzo (October 17, 1987), “She must expect the unexpected. Be careful with moving around.” At para naman kay Zanjoe (July 23, 1982), “He will have more opportunities and projects in store for 2012.”
Naging makulay din ang takbo ng personal na buhay at karera ni Sam Milby (May 23, 1984). At ngayon ngang haharap siya sa isa sa mga biggest break ng buhay niya, ang pagpunta niya sa Hollywood para makipagsapalaran sa buhay-showbiz doon, ito ang prediksyon ni Stargazer sa kanya, “There is so much coming for him this 2012, more financial gains and an upswing in his career. But he has to review his choices as what offer to accept because one may put him in a not so good situation.”
Marami ring ikinaharap na issues si Diether Ocampo (July 19, 1974), isa na nga dito ay ang pagkakalink niya sa Queen of all Media na si Kris Aquino at sa pagpasok ng 2012, ito ang nakikitang maaring pwedeng mangyari sa kanya, “This is a year of challenges for him. Endorsements are coming and although he has some projects, things may be a little bit slow.”
Ang prediksyon sa ating mga iniidolong mga artista ay gabay lamang para sa kanila at sa kanilang mga tagahanga. Wala namang kasiguruhan na magaganap ang lahat ng ito dahil lahat naman tayo ay may choices sa ating buhay, personal man o sa karera at nasa sa atin pa rin kung paano natin patatakbuhin ang ating buhay, artista man o hindi.
Isa nga sa mga breakthrough artist ng 2011 si Xian Lim (July 12, 1989). Ang team-up nila ni Kim Chiu sa My Binondo Girl ang pinakamainit na sinubaybayan ng mga fans at manonood. Sila na nga ang isa sa mga pinakaaabangang love team ngayong 2012 at ang prediksyon ni Stragazer para kay Xian sa taong ito, “He must focus on what he really wants, on what career path should he take.” Pero ang tiyak na ikatutuwa ng mga fans nila ni Kim ay ang hula kay Xian na, “romance is in the air.”
Maganda ang pasok ng 2012 para kay Kim Chiu (April 19, 1990), sa unos na napagdaanan niya, masasabing nakita ang pagbangon niya sa mga intriga at kontrobersiya ng nakaraang taon. At ngayon ngang 2012 ang magandang nakikita sa kanya, “Something exciting will come this 2012, new romance, more projects, endorsements, and travel.” Ito na kaya ang taon para maging totohanan na ang tambalang Kim at Xian?
Maituturing na taon din ito nina Enrique Gil at JM de Guzman. Unang nakilala si Enrique Gil bilang miyembro ng ASAP dance group na Gigger Boys, hanggang sa lumabas siya sa iba’t ibang mga ABS-CBN shows tulad ng Shoutout kung saan nakilala din siya bilang host at nang magsunod-sunod na ang kanyang mga bida roles sa Sunday series na Good Vibes at bilang Micheal sa remake ng Mula sa Puso. Hindi na nga maikakailang maganda ang takbo ng karera ni Enrique Gil (March 30, 1992). At para sa taong 2012 ang nakikita sa kanya ay, “Patience will pay off this year.”
Si JM de Guzman (September 9, 1988) ay nasimulang mapansin sa PHR Presents Midnight Phantom bilang si Mike Castillo, ang best friend ni Rafael Rosell sa teleserye, hanggang sa nagsunod-sunod na ang kanyang mga show, ang PHR Kristine at PHR Alyna na nagbigay daan para maging bida siya sa remake ng Mula sa Puso bilang si Gabriel na ginampanan noon ni Rico Yan. At ngayon siya ay si Angelito, Ang Batang Ama, ang pangalaang serye kung saan siya ang bida. At isang makahulugang prediksiyon ang nakikita sa kanya ngayong 2012, “His world will definitely change for the better.”
Naging maingay din ang hiwalayang Jake Cuenca at Melissa Ricks, hindi man nila inamin ang kanilang naging relasyon, naging malaking balita naman ang kanilang naging hiwalayan noong nakaraang taon at ngayon nga sa taong 2012, napakamahulugan ng nakikita ni Stargazer kay Melissa, “[She should] settle issues with a previous relationship to be able to start anew.” Para naman kay Jake Cuenca isang gabay naman ang nais na iparating ni Stargazer sa kanya, “His patience will be tested and he must learn to overcome his emotions.”
Naging makulay din ang karera at personal na buhay ni John Lloyd Cruz. Mula sa kanyang box-office movie na My Amnesia Girl, at ang kanyang teleseryeng Imortal hanggang sa hindi matapos-tapos na issue sa kanila ni Ruffa Gutierrez, ang relasyon nila ni Shaina Magdayao at kung anu-ano pang mga kaakibat na issue, si John Lloyd nga talaga ang maituturing na newsmaker ng taong 2011 at sa taong 2012, there is no stopping John Lloyd Cruz mula sa pelikula nila ni Angel Locsin na Unofficially Yours at possible teleserye, ang nakikita sa kanya ni Stargazer, “He will have a lot of projects but he must be careful though with his health.”
At para naman sa isa sa pinakamalaking bituin ng 2011, si Coco Martin, isang gabay ang gustong iparating ni Stargazer ngayong 2012, “Control your emotions and be patient. Some things are best resolved when you keep quiet.”